Diskarte ba Kamo–Eto na!

Ayon sa mga eksperto tungkol sa mga pagdidiskarte, narito ang mga ilang halimbawa ng mga ilang tips sa buhay-buhay:

1. Titigan mo siya sa mata 70% of the time na kausap mo siya. Ayon sa mga Love Gurus at Hypnosis Experts, malaki ang chance na ma-attract ka sa isang tao kapag nakatingin siya sayo 70% of the time.

2. Kapag may makakasalubong na chick na may kasamang lalaki, tingnan muna sa mata ang lalaki. Kapag nakatingin sa’yo, huwag mong tingnan ng malanding tingin ang babae. Malamang sa malamang, nag-aabang ‘yun ng umi-spot sa girl niya. Kapag hindi siya nakatingin, ‘yun na ang pagkakataon mo na tingnan as malagkit as you can ang babae.

3. Kapag may type kang babae sa isang crowd na kasama mo, huwag mo siyang gaanong pansinin. Hayaan mo lang siya na magpa-pansin o magpa-cute sa’yo. Kapag kausap mo naman siya, be as casual as you can. HUWAG NA HUWAG mong ipapahalata na gusto mo siya. Lalaki lalo ang ulo niya, pramis. Effective ito lalo na sa mga sobrang gandang babae. Maiisip niya, “Bakit kaya hindi ako pinapansin gaano nito?…” And the more na iniisip ka niya, the more na nagugustuhan ka niya.

4. Paano malalaman kung may boyfriend ang babaeng type mo na kausap mo nang hindi siya tinatanong? Simple lang. Gumamit ng mga conversation sentences na mayroong “boyfriend mo”. Halimbawa, “Tara, gimik tayo, Isama mo BOYFRIEND MO.” O kaya, “Kasabay mo pauwi BOYFRIEND MO?”  Kung mayroon man, hayaan mo lang siyang magkwento. Kung wala, pagkakataon mo ng mag-Da-Moves.!

5. Kung di ka makaipon ng lakas ng loob para masabi sa kanya ang nararamdman mo, try mo’ng patamaan sa facebook/twitter/blog (siguraduhin mo lang ng contact mo siya). Tyempuhan mo’ng online siya. Mas maganda kung naka-chat o nakausap mo muna siya bago mo i-post. Be creative. Konting piga sa utak.

6. Hindi mo kailangan magpa-impress sa kanya sa hindi-naman-talaga-ikaw. Kailangan mo’ng magpa-impress sa kanya sa kung-sino-ka. Dagdagan mo na din ng confidence. Malaking tulong kung mataas ang sense of humor mo.

‘Di bale nang ayawan ka niya sa kung-sino-ka kaysa magustuhan ka niya sa hindi-naman-talaga-ikaw.

Wala na akong maisip na iba pang dahilan pero kung meron man ulet.. bisitahin mo lang tong blog ko para sa mga iba pang tips at diskarte. Malay mo dito magkaroon ng idea kung paano dumiskarte.. Try lang ng try.

Tandaan: Huwag mo’ng ipakita ito sa mga babaeng kaibigan mo at lalong lalo na sa crush/ type/ nililigawan mo. Malalaman kasi nila ang ginagamit nating techniques. At kapag in-apply mo sa buhay mo ang mga natututunan mo dito, malalaman nila na dito iyon nanggaling.

Tips Number 2 para sayo..

Gusto mo na miss ka din niya?

 

Ito ay isang technique na kung tawagin ay “ Mega Negative Suggestion”. Halimbawa : Kapag sinabi ko na, ‘Huwag kang mag-isip ng berdeng elepante na lumilipad’, malamang sa malamang, nag-iisip ka ng berdeng elepante na lumulipad. Kapgag sinabi ko na, ‘Huwag kang titingin sa likod mo, baka magulat ka’, malamang sa malamang, gustong gusto mo nang tumingin sa likod mo.

 

Bakit ganoon? Hindi kasi nareregister sa subconscious mind ng tao ang mga salitang Don’t, Never, Not. Sa Tagalog, hindi naman nareregister ang Huwag at Hindi. Kahit na pumapasok ito sa conscious mind mo, hindi naman ito pumapasok sa subconscious mind. Pansin mo, kapag sinabi mo sa bata na ‘Huwag kang lalabas ng bahay’, magpupumilit ‘yan na lumabas ng bahay.

 

Kapag sinabihan mo ang babae/lalaki na type mo ng, ”Huwag mo akong masyadong mami-miss” at the back of her/his mind, lalo ka niyang mami-miss. At ang matindi, kung gusto mo siya na ma-inlove sa’yo sabihan mo ng “Huwag kang ma-iinlove sa akin ha.”

 

P.S. Please, huwag mo’ng ipabasa ito sa kahit kanino. Baka madaming maka-alam ng technique na ito. Apir ulet!

Tips ko sayo..

Huwag agad magtext. Maghintay ng ilang oras o isang araw. Pero hangga’t maari, huwag text lang – tawagan mo. Importante pa din ang “first impression” niya sa’yo.

Reason Behind: Magtataka siya kung bakit mo hiningi ang number niya pero hindi ka naman nagtetext o tumatawag. The more na nagtataka siya, the more na iniisip ka niya. At the more na iniisip ka niya, the more na naaattract siya sa’yo. Apir!