Da Moves 101 (HSD Version)

Wala kong magawa sa mga oras na toh kaya naisip kong gumawa ng isang Da-Moves na galawan para sa’yo, sa katabi mo, sa kausap mo o sa magbabasa nito, ito ang mga iilang mga bahaging naisip ko:

 

  1. Kapag nahuli ka niya na tumitingin sa kanya, ibig sabihin tinitingnan ka din niya. Hindi ka naman niya mahuhuli kung hindi ka niya tinitingnan. Sabay banatan mo ng, “Huli ka! Tinitingnan mo ako ah!”
  2. Huwag gawing excuse ang katorpehan para hindi masabi sa kanya ang nararamdaman mo. Kapag nasabi mo na, tapos na ang problema mo. Kung ano ang isasagot niya, problema niya na ‘yun.
  3. Try mo’ng kausapin yung taong gusto mo, o yung kras mo mapatrabaho man o skulmeyt. Wala namang mawawala (baka magkaroon ka pa). Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Baka ma-analysis-paralysis ka at maunahan ka pa ng iba. Sige ka, ikaw din.
  4. Kung pinanganak kang torpe, at feeling mo ganyan ka na habang-buhay, tang*na, good luck sa’yo. Bihira ang babae na magta-tyaga sa taong torpe. Kung may mag-tyaga man sa’yo, good. Malas mo lang kung hindi mo siya type. Torpe ka kasi eh. Hahayaan mo na lang ba na ganyan? Note: Ang pagbabago ay nagsisimula sa sarli. Kailangang gustuhin mo muna
  5. Utang na loob, matuto kang MAGPATAWA! Gusto ng mga babae yung mga lalaki na napapatawa sila – nakakagaan kasi sa pakiramdam nila iyon. Kung pinanganak kang korni, kailangan mo ng matinding practice. Hangga’t maaari humingi ng tulong sa mga taong magagaling pagdating sa may sense of humor. Magpaturo kay kwan.
  6. Sabi ng titser ko dati sa Psychology way back college, kung mahal mo daw, ipaglalaban mo. Palagay ko, kulang iyon. Dapat ipaglaban mo na maging masaya siya, hindi ang maging masaya ka. Magiging Selfish ka nyan kung nagmamahal para sa sariling kasiyahan mo lang ang iniisip mo.
  7. Huwag mo nang pag-isipan nang sobra-sobra kung ano’ng dapat mo’ng sabihin sa kanya. Lalo ka lang matatameme at lalo lang masasayang ang pagkakataon.

 

Ang mga techniques, skills, strategies o kung anuman ang gusto mo’ng tawag dito, ay gumagana lamang kung gusto mo na magkaroon ng instant connection sa opposite sex. Pero kapag “tinamaan” ka na ng matinding pana ni kupido, makakagawa ng iyong sariling creative ways para sa kanya.

Ang mga iilang halimbawa ay mga pawang isip ko lamang, nasa sayo pa din naman kung gusto mong gawin ang nasabing talata. Pero kung ako sayo kapatid magDa-Moves ka para sa sariling kakayahan mo. Mag-effort ka. Wag ka muna humingi ng kapalit kung sakaling nakagawa ka ng mga bagay na nagpasaya ka sa kanya, pero atleast nasabi o nagawa mo yung part mo para sa sarili mo diba? Siguro ang magiging problema na lang niya ay yung kung ano ang isasagot nya para sa’yo. Pero mas ok na yun, kesa naman magsisi ka sa huli diba? Apir. Go lang ng go!

DaMoves..

Habang nag-iisip ka, may taong umaaksyon. Habang nangangarap ka, may taong sinsimulan nang kunin ito. Kaya kung babagal-bagal ka kapatid, baka maunahan ka pa ng iba. Ikaw din. DaMoves lang ng DaMoves .. Wag mawalan ng pag-asa..

Motivation 101

Masakit naman talaga magmahal eh. Hindi maipagkakaila ‘yan. Lahat naman tayo e dumaan sa ganyang pagkakataon. Pero sa lahat ng masakit, ito ang pinaka-masarap. Hindi sa lahat ng panahon ay puro saya ang iyong mararamdaman. Makakaramdam ka din ng sakit. Pero magical, kasi mas matimbang ang sarap kaysa sa sakit. O wag greenminded. Haha!

Parang pagpapa-tattoo. Masakit, pero nakaka-adik. At pagkatapos ng sakit, nagkakaroon ng magandang bunga. Kung ayaw mo’ng masaktan, huwag ka na lang magpa-tattoo. At kung ayaw mo’ng masaktan, huwag ka na lang magmahal. Gets?