Nang ifollow nya ako

index

Malugod kong pinasasalamatan si Doctor Eamer  sa kanyang kumentong nakakaantig ng puso. Tama nga naman, Nagbablog ang mga blogger na katulad ko, hindi dahil gusto nating magkaroon ng madaming likes, comments, follow o anu man, nakakaisip tayo ng blog kundi dahil gusto natin yung ginagawa natin o dahil gusto nating i-express yung nilalaman ng nararamdaman natin sa bagay-bagay sa buhay-buhay. Just write because you like writing ika nga ni Doctor Eamer.

Sa lahat ng mga patuloy na bumibisita sa blog na ito maraming maraming salamat sa inyo. Patuloy lang akong lilikha ng mga iba’t ibang klaseng blog batay sa kung ano ang nilalaman ng isip ko. Apir.

Balik Tanaw: Ang mga Maiingay sa Klase

Sa isang classroom, laging may inaatasan ang ating pinakamamahal na guro na mamumuno ng katahimikan at kaayusan sa klase kapag s’ya ay wala. Kung hindi class officer ay ang pinakatahimik o pinakamatalino sa klase ang kanyang inuutusang maglista ng mga maiingay o Noisy at ng mga tayo ng tayo o Standing sa kanilang mga upuan. Minsan pa nga ay wais ang guro dahil kung sino man ang mapabilang sa listahan ay kinakailangan pang magbigay ng Floor Wax, Shoe Rug o magbayad ng piso na s’yang ilalagay “daw” ng titser sa class fund.

Dahil isa akong tahimik at mahiyaing bata noon, minsan na din akong naaatasan ng aming adviser na maglista sa isang pirasong papel ng mga Noisy at Standing. Laging nangunguna sa listahan ng mga maiingay ‘yung mga bully naming classmates at hindi naman mawawala sa listahan ’yung mga estudyanteng hindi mo alam kung may nunal ba sa talampakan dahil kung saan-saang lupalop ng silid aralan nakakarating. Minsan din ay nililista rin namin ang mga nagsasalita ng Tagalog sa oras ng English Class namin at as usual, may pisong multa rin ito na mapupunta sa class fund. Kaya ang ginagawa ko pag English Class na, tahimik lang ako. 🙂 (Para iwas pisong multa)

At alam n’yo ba na noong elementary days, akala ng klasmeyt ko nun na ang ibig sabihin ng “Standing” ay tahimik? May time kasi na nilista sya under “standing” ‘yung mga ibang kaklase ko nakaupo lang at nananahimik. Potek, ibig nya sigurong sabihin “outstanding” o ‘yung namumukod tangi. Ewan ko ba kung bakit. Kamot ulo na lang siguro ako nung mangyari yun. 😀