Seven Eleven

Pumasok ako ng 7/11 para bumili ng slurpee. Gustong gusto ko yung pakiramdam na habang hinihigop ko yung slurpee, kumukulay ang flavor sa dila ko. Kumuha ako ng papercup sa tabi ng vendo machine at yung plastic na takip nito. Yung kulay blue na flavor ang kinuha ko at nilamnan ko yung lalagyan na hawak ko. Habang nag-iisip kung anong flavor ng hotdog sandwich ang bibilhin ko, lumapit yung cashier sa’kin. “Sir, umaapaw na yung slurpee sa lalagyan niyo.”

Actually, gusto ko talagang punuin ng slurpee yung lalagyan na hawak ko. Yung umaapaw hanggang takip tapos didilaan ko na lang yung tuktok para sulit yung bayad ko.

Minsan talaga hindi natin maiwasang magbigay ng sobra-sobrang emosyon kapag nagmamahal tayo. Kahit pa sabihin natin na, “Ah Okay. Ang 80% ng feelings ko ay para sa’yo at ang 20% ay ititira ko para sa sarili ko.” Most probably hindi rin nangyayari. Dahil kahit may naka-set na tayong rules para sa sarili natin, hindi na natin nagagawang kontrolin. Minsan nga above 100% pa. Nagmamahal tayo eh. At kahit kelan hindi natin yun kayang sukatin. Palaging sumosobra. Palaging uumapaw. Wala naman yung “medyo mahal lang”, o “mahal ko siya pero konti lang”. Dahil minsan, kahit ordinaryong landian lang, emotions are still real. Kahit sabihin mong, “Lalandiin ko lang to then i’m done.”, it always ended up like “Tangina, mahal ko na pala.”  At masasabi lang natin na sobra na kapag nasasaktan na pala tayo. At kapag sa sobrang sakit, nakakapagod na. Pero atleast hindi tayo yung nagkulang.

Bigla akong kinalabit ng cashier, “Sir, lahat ng sobra nasasayang.”

Mag-iwan ng puna