Nasaan Ang Happily Ever After?

Ang fairytale ay nagsisimula sa….. “once upon a time….” at nagtatapos sa….. ” …and they live happily ever after..”

Pero ang totoong buhay ay nagsisimula….. pagkatapos ng  “and they live happily ever after!”

Kapag akala mo tapos na ang mga problema, wala na o sumuko na ang mga bad witches,  kapag masaya na ang mga dwarfs….. pero,  akala mo lang yun!

Dahil sa totoo lang dito pa lang tunay na magigising si sleeping beauty, dito pa lang nya malalasahan ang pait ng halik ng kanyang prinsipe.

Na ang mansanas na inakala nyang lason ay sya pa lang drogang lumalango sa kanyang pantasya!

At mula sa kanyang pagkakahimbing,  gigisnan nya ang buhay na puno ng pagtataka, ng mga tanong na parang walang sapat na kasagutan….. ang kanyang prinsipe ay hindi na nya kilala….. ang dating pantasya ay nagiging  bangungot na!

Hindi sukatan kung gaano kahaba o katagal na ang inyong pinagsamahan,  dahil ang tao ay nagbabago!, isa sa batas at aspeto ng buhay, hindi maiiwasan, mas lalong hindi mo mapipigilan!

Pero, kailan ba dapat sabihin ang mga salitang ” mahal kita ” o ” mahal din kita ” ?

Mula sa kantang ‘What A Wonderful World’ ni Louis Armstrong hanggang ‘Anaconda’ ni Nicki Minaj…..

dapat siguro…..

Kapag sinabi sayong ika’y minamahal (o bago mo sabihing mahal mo sya), sana….. nauunawaan mong isa s’yang mortal, na hindi nya kayang abutin ang mga bituin at buwan (unless astronaut sya!), at hindi nya kayang sisirin perlas ng karagatan (unless pearl diver talaga sya!).

At kapag sinabi nya sayong ikay iniibig (o bago mo sabihing iniibig mo sya),  sana….. nauunawan mong sya ay taga-daigdig (tao sya! tao!, hindi isang fictional superhero sa paborito mong pelikulang The Avengers o kahit Marvel Super Heroes pa yan!), hindi nya matitiyak na  kapag sya ang kapiling mo, kailanma’y di ka iiyak (asa ka pa!).

Ang magandang bukas ay pipilitin nyong abutin, ngunit kung hindi pa daw maganap, sana….. ‘wag  mong ikalungkot!

Kapag sinabi sayong ikay sinusuyo ( o bago mo sabihing sinusuyo mo sya), sana….. ibigin mo sya kasama ng kanyang mundo (including his/her super duper mega very darkest secrets… underarm, singit, etc….., kinamulatan, kinalakihan, kinasadlakan….. no ifs, no buts!).

Kaya….. asahan mo, kapag sinabi ko sayong “mahal kita”….. makakasiguro kang alam kong hindi ako si John lloyd Cruz….. at hindi ikaw si Bea Alonzo…..

Baka sakali….. malay mo….. ang ending ng istorya ko ay maging….. “and they live happily ever after.”

Simbang Gabi o Simbang Tabi?

1234

Bukas pasko na. “Spread the Love” ika nga ng iba. Nagsisimbang gabi ka ba? Nakumpleto mo ba ang lahat ng ito? Tapos magwiwish ka after mong makumpleto.

Tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan ay maraming tradisyon ang isinasabuhay ng mga Pilipino.  Maliban sa mga nagagandahan at makukulay na mga parol at Belen sa kapiligiran, ang mga pagkain tulad ng Puto Bumbong at Bibingka at pakikipagsiksikan sa mga mall, Tulad ng Divisoria at Greenhills para bumili ng regalo, may mas matimbang na gawain na hinding-hindi mawawala sa Paskong Pilipino: ito ay ang Simbang Gabi o ang Misa de Gallo.

Ang tradisyong ito ay nagmula pa sa mga sumakop sa atin na mga Kastila. Ang terminolohiyang  “Misa de Gallo” ay nangangahulugang “Misa ng Tandang” sapagkat nung unang panahon at maging hanggang ngayon, ang misang ito ay idinadaos sa madaling araw.  Sa kasalukuyang panahon, sa ibang parokya, ito ay idinadaos sa gabi kaya ito ay nakagawian nag tawagin na Simbang Gabi.  Ang misang ito ay nagsisilbing parang nobena at ipinagpapatuloy siyam na araw bago dumating ang kapaskuhan.

Nung ako ay bata pa ay madalas akong dumalo ng simbang gabi ngunit dahil sa mga pagbabago sa aking pamumuhay at sa oras ng trabaho ay di ko na nagawang ulitin ito.  May panahon din na nawalan ako ng ganang mag-simbang gabi dahil hindi na kanais-nais ang aking nasisilayan tuwing dumadalo ako ito. Naisip ko tuloy na hindi kaya’t nawalan na ng saysay ang tunay na kahulugan ng tradisyong ito.

Nung isang araw, ako ay gumising ng maaga upang magsimba kasama ang aking mga magulang,  alas-tres ng umaga ng kami’y gumising. At alas-kwatro naman ang oras ng Misa de Gallo sa aming baranggay.  Tunay na makulay at maningning ang simbahan, maraming nagsisimba at marami rin ang nagtitinda.  Hindi ganito ang tanawin sa hamak na araw ng Linggo sa simbahang ito.  Ngunit sa kabila ng magandang tanawin na aking nakita ay muling tumambad sa akin ang mga dahilan kung bakit ang iba ay hindi na dumadalo sa Simbang Gabi.

123
Sa paligid ng simbahan ay marami ngang nagtitinda ng pagkain, tulad ng mga pagkaing-almusal… Tulad ng spaghetti, pansit, lugaw at iba pa.  Ngunit hindi ko masikmura na hindi pa tapos ang misa ay abalang-abala na ang ilang kabataan na lumalamon sa tabi at maiingay pa sila.  Pagpasok ng simbahan, tunay ngang maraming tao, mas marami ito kaysa sa hamak na araw ng Linggo, ngunit nakakadismaya na wari ba’y hindi pagsisimba ang ipinunta nila dun at mistulang pag-gimik ang kanilang pakay.  Grupo-grupong kabataan na hindi nakikinig sa misa at walang ginawa kundi maghuntahan, magharutan at magtawanan.  Ang sarap pagsasawayin ngunit masayado silang marami.  At di rin pahuhuli ang ibang magkasintahan na para bang nagda-date sa simbahan at mas masama pa ay di nakapagpigil na nagsisilampungan, nagliligawan, at naglalandian kahit sa piling ng madla.

Pansinin din ang kanilang mga kasuotan. Oo nga’t maginaw at naka-pangginaw ang iba.  Ang hindi o maintindihan, kung talagang naka-pangginaw sila dahil sa ginaw eh bakit sila naka-shorts at tsinelas lang?  Ang iba pa ay nakapamporma na animo’y pupuunta sa mall. Meron din akong nakikitang mga sumbrero sa loob ng simbahan. Marami silang mga pormang Jejemon. May inilabas na panuntunan ang simbahan tungkol sa angkop na pagbibihis sa loob ng simbahan, at ang mga ito ay di umaayon sa nasabing panuntunan.

At isa pa pala, bakit ka dadalo sa Simbang Gabi kung tutulugan mo lang ito? Hindi ba’t kasama sa sakripisyo ang paggising sa umaga at pananatiling gising sa misa.  Makikita mo ito sa bata man o sa mga mas nakakatanda.  Hindi kaya’t sila’y napipilitan lamang o di kaya’y mga nagpapakitang-tao lamang.

Wala pa rin palang nagbago sa kapaligiran. Bagaman ang aking layunin ay pagsisimba at maaari ko namang huwag nang pansinin ang mga ito, nakakadismaya lang kasi talagang nakaka-aagaw pansin ang mga di kanais-nais na tanawin na ito.  Sa halip na makapag-simba ay baka makagawa pa ako ng sala sa tindi ng pagkainis ko sa mga ito.  Doon na lang ako kung saan, ang aking pagsisimba ay talagang magiging mataimtim at mas maitutuon ko ang aking atensyon sa Diyos.

Sana ay di tuluyang mawala ang tunay na kahulugan ng Simbang Gabi sa kabataang Pilipino at di ito maging isang “Simbang Tabi” (Simba sa Tabi ng kasintahan, Simbang Kain sa Tabi, Simbang Tabi-tabing Maghaharutan)

Opinyon ko lamang po ito.. (Base sa tunay na pangyayari..)

Maligayang Pasko po sa inyong lahat mga ka-blog..
Merry CHRISTmas to all po.

Akala ko

Akala ko noon naranasan ko na yun pinakamasakit sa pakikipag relasyon… dami ko na na-experience na pain pero kanya kanya palang level ang sakit ano.. merong mild , meron naman super strong parang kape lang. Ang dami ko nang nakikitang blog o post about moving on, at ang dami din nagsusulat tungkol dyan pero ewan ko ba bakit kapag moving on stage na dyan nagkakatalo talo.

Ang tao kasi prone sa sakit lalo na at lampa ito, idagdag mo na kung sensitive.. kapag nasaktan syempre uma aray. Nakagawaian ko nang mag bigay ng advice sa mga taong nakakasalamuha ko based on experience ika nga.. pero yun ibang advice ko galing lang sa utak ko kasi di ko pa na experience eh.. tama sila parang ang dali lang sabihin.. pero kapag ikaw na yun nandoon sa sitwasyon na yun mahirap nga pala talaga.

Ang Diwa ng Pasko

Wala akong galit sa gobyerno pero sa traffic……..malaking OO

 

“…Pasko nanaman, o kay tulin ng araw Paskong nagdaan Tila ba kung kailan lang Ngayon ay pasko, dapat pasalamatan Ngayon ay pasko, tayo ay mag awitan Pasko! Pasko! Pasko nanamang muli….”

 

Ito yung mga araw na napupuno ng tao ang mga mall, nawawalan ng daanan sa mga palengke. Panahon kung saan maraming mandurukot, maggagantso, manloloko, holdaper, isnatcher at iba pang uring tao na hayop pala. J  Ito yung panahon kung kailan lalabas ka palang ng bahay, traffic na. Ito din yung panahon na tiba tiba ang mga kumpanya ng langis dahil ilang milyong litro ng gasolina at diesel din ang masusunog sa pagpapandar ng kotse ng panaka-naka nang naka-primera. Sikat na naman ang Capital parking Area este ang EDSA.

 

Normal na na usapan ito kapag nakaupo ka sa traffic kapag Nobyembre at Disyembre, lalo na kung weekend– may magtatanong kung bakit trapik (uy name recall!) at may sasagot ng “magpapasko na kasi.” Mahigit dalawang 5 taon  ko nang naririnig ang ganitong usapan mula nang mapasok ako sa isang kumpanya sa alabang at kinaulanan ay nailipat ng Las Piñas, (Kamot ulo) at ngayong taon ko lang kinwestyon ang katotohanan ng sagot sa tanong na iyon.

 

E bakit pag magpapasko matrapik?

 

Ilang pilosopong sagot na ang naisip ko para d’yan, at ilang teorya din naman ang umusbong mula sa mga ito. Ito ang ilan sa kanila:

 

  1. Pag pasko lang ginagamit ng iba ang mga sasakyan nila.

So, sampung buwan sa isang taon, nakatalukbong lang yung auto nila sa garahe at hindi nila ginagamit. Ginagamit man nila, paminsan-minsan lang talaga, as in once a month. Posible ba ‘to?

 

Malamang hinde. Kasi kung may gumagawa nyan, diskargado na ang baterya ng kotse na ‘yun; kinakalawang na ang mga preno, solido na ang langis ng makina, at marami pang ibang aspetong mekanikal ang magpapasinungaling dito. Mas maigi pa atang ibinenta nalang nila ‘yung auto kesa binulok ng ganoon, tapos bumili nalang ulit ng bago pag kailangan nila. Hmmm, siguro kaya…

 

  1. Maraming bagong sasakyan sa daan.

Eto hindi mo naman maikakaila. Ilang tao din ang nag-ipon ng matagal-tagal, kung hindi hinintay ang Christmas Bonus / 13th month pay para ma-ipang-down sa bagong sasakyan. Ansaya nga naman ng kalayaan mula sa pakikipagsiksikan sa MRT, sa bus, o pagpila para makasakay ng Shuttle, diba?

 

  1. Andami kasing mall.

Halatang halata naman na nating lahat na kahit saan ka lumingon, may SM property. SM City ganito, Hypermarket ganyan, Savemore, at kung ano ano pa. Isipin mo nalang, sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road) sa Paranque, may apat na malalaking SM shopping centers. Ito ang: SM City Sucat, Hypermart Lopez, Savemore, at  SM BF Paranaque. Dahil nasa topic na din tayo ng Sucat road, isama mo na din ang ilan ilan pang mga mall / shopping center na nandyan, tulad ng Virra Mall (oo, may buhay pa nyan), Liana’s (oo din, may buhay pa rin nyan) Puregold, Puregold Jr., at marami pang iba. Hindi lang din sa Sucat ganyan.

 

Ang mga mall ang isa sa mga pinakamalaking sanhi ng trapik sa kalungsuran, at hindi ito isa sa mga bagay na pwede mong sisihin, kasi lahat tayo pumupunta dito kahit minsan sa isang taon, dahil lahat tayo may kailangan. Marami na ding mall ang nagsasa-alangalang ng trapiko kung kaya’t gumagawa na din ang mga ito ng paraan para mapainam ang sitwasyon ng mga mananakay, tsuper, at ang mga motoristang gumagamit ng kalsadang nasa tapat nila. Pero dahil nga marami sa atin ang special buko pie, mapa-tsuper man o mananakay, hindi parin ito naaayos kadalasan.

 

Masyado kasing hassle kung papasok pa ‘yung bus o jeep sa loob ng terminal, kasi sa bawat oras ng kahit anong araw, merong isang tsuper na gagawing garahe yung terminal at magtatagal dun ng mahigit sa sampung minuto. So kung papasok si manong drayber dun, mahihimpil din s’ya ng kung ganong katagal huminto yung nasa unahan. Kaya naman mamarapatin nya nalang huminto ng ilang segundo para magbaba at magsakay sa kalsada; ang problema, hindi lang sya ang nagiisip nito.

 

 

  1. Kung saan saan pumupunta ang mga tao. Pero bakit pag magpapasko lang?

Ganito kasi. Tulad ng iba, meron tayong mga espesyal na tao sa buhay natin, at gusto natin silang bigyan ng thoughtful na regalo para sa pasko. Yung tipong unique (kala mo lang yun..unique ba yung itlog?), o di naman kaya, yung alam mong gustong gusto nila pero hindi mo makikita sa suking tindahan, o sa malapit na mall. Kaya sasadyain mo yung lugar kung saan ito makukuha at babyahe ka.

 

Kabaligtaran naman niyan e yung mga nagtitipid dahil sa iba’t ibang kadahilanan. San pa ba naman pupunta ang mga nagtitipid kundi sa isa sa dalawang pinakamalaking bagsakan ng mga kalakal na mura? All roads lead to Divisoria, ika nga nila, at pagdating naman sa mismong lugar na iyon (Baclaran o Divisoria) e ganito ang sitwasyon: wala nang dadaanan ang mga sasakyan dahil nasa kalsada na ang mga nagtitinda, andaming tao na hindi mo alam kung pano pang umuusad, at wala nang paparadahan ang mga sasakyang pumupunta doon, so magpapark sila sa kalsada, at ang mga sasakyang pampubliko naman ay mawawalan ng espasyo para magbaba at magsakay, so sa gitna nalang din ng kalsada gagawin iyon. Isama mo pa dyan ang mga padyak, tricycle at kuliglig na nakikigulo din sa halo ng sasakyan at tao. Iispelengin ko pa ba? Perfect formula yan para sa kaguluhan ng kalsada.

 

 

  1. Late kasi ang bonus.

Sa mga normal na kumpanya, ang 13th month pay ay pumapasok bandang kalagitnaan ng Nobyembre, o di naman kaya sa mga unang linggo ng Desyembre. Pero kung nagtatrabaho ka para sa isang hindi kalakihang kumpanya kung saan walang HR na mag-a-asikaso ng tutok sa mga ganitong bagay, nagaganap ang bigayan ng bonus kasabay ng sweldo bago magpasko. Minsan naman, sa mga kawani ng gobyerno, lalo na yung mga nasa mabababang pwesto, nadedelay ang 13th month (aba syempre, kailangan mauna yung bonus ng mga buwaya sa taas diba?), at naibibigay ito ilang araw nalang bago magpasko.

 

Dahil nahuli mong natanggap ang salaping gagamitin mo para ipakita mo sa mga mahal mo sa buhay na mahal mo nga sila at ipakita na rin na mahal mo si Crush (konek?), magkukumahog ka ngayong mamili sa mga shopping mall o kung saan pa man. Nangyayari ito sa mas nakararaming bahagi ng ating lipunan, kung saan ang perang kailangan mo para makapag-pasko ay makukuha mo lang ilang araw nalang bago magpasko, kung kaya naman karamihan ng tao ay nasa labas isa, dalawang linggo bago magpasko.

 

Sanhi na din ng nahuling pagtanggap ng pera, nauubusan ka na ng options sa mga pamilihan at minsa’y pagtya-tyagaan mo na ang mga stock na napagpilian na. Pero minsan, dahil mahal mo nga kasi yung mga taong mahal mo, hindi ka papayag nito, kaya iikutin mo ang buong kalakhang Lugar na malapit sa inyo o gayunpaman kahit Maynila, para lang mahanap ang perfect na pang regalo.

 

 

  1. Ang Noche Buena, at ang handa sa araw ng Pasko.

Ito ang isa mga bagay na hindi mo na maiiwasan. Dahil ang Pinoy sadyang mahilig pumarty — magpiyesta — kailangan may handa ka pag araw ng Pasko, at syempre, sa hatinggabi ng Pasko, ang Noche Buena. Kaya sa a-bente-cuatro ng Disyembre, halos hindi ka makahinga sa loob ng mga Supermarket at Palengke dahil sa dami ng namimili ng sariwang pagkaing ihahain nila sa mga pamilya nila. Ang a-bente-tres ng Desyembre ang pinaka-kinatatakutang araw ng lahat ng Baboy, Baka, Manok at Isda. Sa araw na ito nagsspike ang mortality nila, at dahilan para bumaba ang life expectancy nila bawat taon.

 

 

Eto ang sitwasyon natin dito sa Metro Manila o mga karatig na lugar nito tuwing magpapasko. Hindi ko masasabing nagsasalita ako para sa karamihan ng Pilipinas, dahil hindi ko pa nakikita ang sitwasyon sa ibang lugar pag pasko.

 

Usually pag ganitong panahon at nakakaranas ako ng trapik, kibit balikat nalang ako at mahaba ang pasensya ko sa lahat ng bagay na nagaganap sa daan (note: madaling uminit ang ulo ko sa kalsada kahit ikaw ganun da din naman lalo pag rush hour tas papasok ka sa trabaho tas male-late ka na). Wala ka naman na kasing magagawa tungkol dito, at isa ka lang din sa milyon-milyong residente ng lugar na ito na gustong makapagpasaya ng kapwa sa panahong dapat lahat ng tao’y masaya.

 

Sa totoo lang kakalimutan mo na ding tanungin kung bakit matrapik, kasi sigurado ka na din na ikaw na mismo ang  sasagot sa tanong mo.

 

Pero sana ‘wag din nating kalimutan ang tunay na ibig sabihin ng pasko. Oo, bigayan, dahil turo nga ni Hesus ‘yan, pero ang puno’t dulo ng lahat ng ito ay Siya, ‘yung taong ipagdiriwang natin ‘yung kaarawan. Hindi ito tungkol sa regalong matatanggap mo, o sa regalong ibibigay mo, o sa pag kumpleto ng simbang gabi, o kay Santa Claus, o sa puto-bumbong, bibingka, coca-cola, handa, o noche buena na kakainin mo.

 

Sana kapalit ng trapik na pagdurusahan natin sa darating na mga araw, ay maipagdiwang natin ang kaarawan ni Hesu Kristo, at ang pagkakabuo ng ating pamilya, gaya ng pagkakabuo ng kanyang pamilya noong isilang sya.

 

Ilang araw nalang pasko na, konting tiis lang, may kapalit din namang ligaya (sana) ang trapik na sasagupain natin.

Katapusan Na… (Sweldo na sila..)

Lahat naman may katapusan.Tao nga may katapusan, ang pag-ibig pa kaya. Kapag dumadating yung time na hiwalayan, yun na ang pinakamasakit sa lahat. Pagkatapos ng mga kasiyahan nyo, pagkatapos ng mga plano nyo sa buhay bigla nalang maglalaho ang lahat, kapag maghiwalay na kayo. Minsan itatanong mo nalang sa sarili mo, bakit kailangan umabot pa sa ganito? Bakit kailangan pang maghiwalay, kung masasaktan lang naman pareho. Siguro kaya nangyayari ito dahil di na kayo magkaintindihan, parehas na kayong nahihirapan, nasasaktan nyo na ang isat isa. Kaya kailangan nyo nang maghiwalay. Pero di mo talaga maiwasan ang masaktan, kailangan mong harapin ang katotohanan na kapag nagmahal ka ng totoo, kapag nawala ang mahal mo parang gusto mo nang mawala sa mundo. Pero sabi nga nila pag once na ready pumasok sa isang relasyon, dapat ready ka din masaktan. Ok lang yan, nagmahal ka eh. Pero wag mo naman sayangin buhay mo. Marami pa naman dyan. Pero sana wag mo naman gagawin ang mga ganitong paraan para mag move on:

  • Makikipag landian ka sa iba, para pagselosin yung ex mo.
  • Makikipag date ka sa iba, para kalimutan sya. Tapos bulgaran pa sa facebook na may bago ka na.
  • Pinagmamalaki mo na naka move on ka na, pero deep inside ang sakit pa.

Wag mo naman sana gawin yan, kasi yung isa nasasaktan na dinagdagan mo pa. Nagmo move-on pa sya eh. Nagpapagaling pa sya ng sugat pero ikaw nakikipag landian na. Ang pangit naman ng naisip mong paraan para maka move on. Lalo mong pinapatay sa sakit yung isa. Nanadya kana. Halos ipamuka mo pa.!! Maghintay ka naman na gumaling yung sugat bago lumandi ulit. Pwede ka naman mag move sa tulong ng mga magulang mo, kaibigan mo, pwede kang magpakalunod sa alak pero ikaw rin ang talo. haha. Pwede kang mag drugs pero wag mong subukan kapos sa budget ang mga rehab ng gobyerno ngayon. Ikaw rin!! Basta ang payo ko lang kapag nakipaghiwalay ka sa relasyon matuto kang magbigay ng panahon para magmahal ulit.

Opinyon ko lamang po ito. Kung mali po ako. Pasensya na po, BOBO po kasi utak ko.  

Ganito pala ang buhay ng mga Blogger..

Wala pa akong 1 month na naging active dito sa wordpress wala pa nga ding isang linggo pero sa araw-araw na pagbabasa ko sa mga blog ng mga kapwa ko pinoy marami akong napansin. Marami akong na realize. Halos pare-parehas lang ang istilo ng post. Karamihan tungkol sa buhay pag-ibig, personal na buhay, mga kwento literal o kathang isip, at mga karanasan sa buhay buhay.

Nakakakiliig lalo na sa buhay pag-ibig meron mga iniwan ng mahal nila, meron nagmamahal pa, merong iiwanan na, meron namang nagsisimula pa lang what i mean nanliligaw pa lang. At higit sa lahat meron namang umaasa, umaasa na babalikan pa sila, o umaasa na may pag asang maging sila. Haha.

Nakakatouch kasi halos lahat ng bigo sa pag-ibig dito nila binuhos ang mga sama ng loob. Dito nila nailabas lahat ng mga gusto nilang sabihin. Minsan, parehas ng dahilan pero iba’t ibang istorya.

Nakakakilig naman yung mga masasaya sa lovelife nila, ang saya saya nilang pinagkakalat sa buong mundo ng internet na mahal nila ang isat isa. Ayos diba? Nakaka inspired ang mga tao dito. Lalo na’t paparating na ang Kapaskuhan, hindi malamig ang mga pasko nila. Yeeeh..

Basta nag enjoy ako dito. marami akong nabasa na iba’t ibang kwento at marami akong mga natutunan.

Enjoy Blogging kahit hindi naman talaga ako sa isang eksperto sa pagiging Blogger. Pero isa lang lang pepwedeng kong iblog dito panay tagalog.. Haha.. Ang hina ko kasi sa pag-iingles. Turuan mo ko?