“Tanggapin ang mga bagay na wala na, at magpasalamat sa kung ano yung natira.-dante”
–yan ang mga salitang nasasabi natin sa tuwing iniiwan tayo ng taong mahal natin. Ako kasi yan yung sinabi ko e. Pero ewan ko lang sayo kung yan din sinabi mo. Baka kasi hanggang ngayon bitter ka pa din at hindi ka pa din maka-move on sa kanya. Tas sasabihin mo sa kanya na “Hindi ko kayang mawala ka, kasi ikakamatay ko pag ginawa mo yun..Huhu! :'(” with matching pag-iyak labas uhog. Ano sya oxygen mo.. Mga ate, koya, adik ka na. Tigilan mo na ang pag-amoy sa medyas mong dalawang linggo mo ng suot at pagkain mo ng tokwa’t bubog sa kantin. Lahat naman siguro tayo naka-experience masaktan, lokohin, iwanan, lalo na pag hindi mo alam yung dahilan ng pag-iwan nya sayo. Hugot lang. ( Pero kapag iniwan ka ng taong mahal mo, pasalubong kamo..) Well..waley yung joke ko. Pero alam mo ba yung pelikula tungkol kay basha at popoy. Isa ako sa mga naantig sa pelikulang ito. Hindi kasi ito basta-basta pelikula lang, I think sa sitwasyon nila, marami ang nakakarelate gaya ko, gaya mo at gaya nating lahat. Pitong taon na pala ang nakakaraan ng maipalabas ito sa mga sinehan. Sa taong 2007 ito ay tumabo lang naman ng mahigit 150 Million sa buong sinehan dito sa Pilipinas. NagBox-office pa nga ito. Ang pelikulang ito ay dinirektor ni Cathy Garcia-Molina at nireleased under Star Cinema. Sila ang may hawak ng 9th highest-grossing Filipino film of all time. At pinagbibidahan ito ni Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Isama na natin si Derek Ramsay at Maja Salvador. Nanalo ang kapwa aktor at aktres ng Box office King and Queen. Samantalang nanalo ding Movie of the Year ang nasabing pelikula.
“One More Chance” isa sa mga magagandang Filipino Movies at very realistic not made by just the imagination. Yung iba kasi masyadong perfect na kaya minsan hindi ka makarelate. Kahit ilang beses mong panoorin hindi ka magsasawa. I was a college student ata then nung napanood ko toh, during those time wala pa naman akong lovelife, pero kahit wala pa nun sobrang naantig ako sa eksena. Piling ko ako si popoy.. haha! Kasi naman karamihan ng mga friends ko ganon ang situation so somewhat nakarelate ako =). Let just check the famous lines in this movie na talagang pamatay.
“Sometimes you have to break up to grow up,it takes two grown ups to make a relationship works..”-Mark
I love you and I will tell you everyday,
Everyday until you forget those things that hurt.
I hate the things that make you hurt
And how I wish I could take them away.
If only it could be done, I’ll do it for sure.
“…but it cannot be done coz you won’t let me do it..” — Tricia
kapag ang mahal natin ay iniwan tayo wag ka malungkot, dahil siguradong may darating na bagong taong hindi man maibibigay ang hinahanap natin matatanggap naman tayo at mamahalin- Basha
Nakaya ko, kaya mo rin! Naalala mo nung ako ang nandyan? o hindi bat ikaw pa ang nagsabi sakin na baka kaya tayo iniwan ng taong mahal natin kasi baka merong darating na mas ok na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin – Popoy
I want to stop wondering “what if” I want to know “what is”-Basha
Well it’s a very exciting time Basha… but at the end of the day , though things might change, somethings remain the same diba, kaya dapat wag mo kakalimutan ang lumang ikaw – Mark
I love you bash! Mahal na mahal kita at kahit ang sakit sakit na – Popoy
Na sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit…..”-Basha
She loved me at my worst, you had me at my best at binaliwala mo lang lahat ng yun…… – Popoy
Popoy yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice – Basha
And you choose to break my heart – Popoy
“Gusto mo talagang malaman problema ko? nasasaktan ako..kahet alam kong wala na kong karapatan..dahil naisip kong ako naman ang may gusto nito..pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako.. na sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit…..”-Basha
Bash! Hindi mo ba alam yung 3 month rule lahat ng taong na inlove at nakipagbreak alam yun, Bash maghihintay ka muna ng 3 buwan, diba 3 buwan bago ka makipag boyfriend uli. Hindi mo alam yun? Bash my 2 linggo pa ako eh, 2 linggo pa! but katingkati kang palitan ako? – Popoy
Minsan its better for two people to break up.. so they can grow up. It takes grown up to make relationship to work – Mark
Nasaktan ka, dahil hindi maluwag sa puso mo na ibigay sa kanya ang hinihiling nya sayo – Kenneth
Napakaganda..I lily lily este really love this movie sana may part two. Pagbigyan nyo na kami Ms. Cathy Garcia-Molina, Ms. Bea Alonzo, Mr. John Lloyd Cruz at Star Cinema sa hiling ng mga manonood. Panigurado patok na naman sa takilya pag nagkaroon ng Book two. Gayunpaman, pagkatapos kong ipublished toh, panonoodin ko na ulet si One More Chance. ❤