Isang Malalim na Pananaliksik sa Larong “Ten Twenty”

a

ten. twenti. terti. porti. pipti. chuk-chuk-chuk. wan handred.

Sa paglalaro ko ng TEKS, Jolen at Pogs sa kalsada, hinding hindi mawawala ang mga babaeng nakaharang sa daan na naglalaro ng ten-twenty.

Ano ba ang larong ten-twenty?

Ito ay isang uri ng larong pangkalye na ginagamitan ng chinese garter o ng gomang pinagdugtong-dugtong. Itatali sa paa ng dalawang kalahok para makabuo ng dalawang tuwid na linya na siya namang tatalunin ng unang manlalaro.

Saan po bang bansa nagmula ang larong ito?

Ayon sa mga manunulat ng kasaysayan, ito ay nagmula sa bansang Pilipinas. Sa atin mismo. Nanggaling marahil ito sa sayaw na tinikling.

Bakit po ito tinawag na ten-twenty?

Aba, malay ko. Tanong mo na lang kay Soriano kung gusto ko talagang malaman.

Paano po ba ito laruin?

Ito ay nilalaro ng tatlong katao pataas kung saan ang dalawang taya ay siyang magsusuot ng chinese garter na siya namang tatalunan ng unang kalahok.

Ito ay laro ng konsentrasyon, determinasyon at pagpupursigi. Ang manlalaro ay bibilang ng 10 sa una nitong talon. Pagkalipat sa talon sa kabila, ito ay bibilang ng 20. Papalit-palit hanggang makarating ng bilang 40. Pagdating sa bilang 50, ang dalawang paa ay dapat nasa labas ng garter. Ang susunod naman ay lulundag ito paitaas para maipasok sa loob ng garter ang dalawang paa. Ito ay bilang 60. Ang bilang 70-80-90 ay nirerepresenta ng pagkiskis ng dalawang talampakan paabante at paatras sa lapag ng kalsada. Kapag dumating ang bilang 100, tatalon ang kalahok at kailangan nilang apakan ang dalawang linya ng garter upang matapos ang laro.

May mga lebel po ba ang larong ito?

Meron. Una, ang garter ay nasa mababang parte ng paa. Sunod ay sa tuhod, hita, bewang pataas sa dibdib at leeg. Kapag natapos nila ang buong lebel sa katawan pataas, papasok na dito ang larong tinikling.

Paano po nilalaro ang tinikling?

Ito ay ang lebel ng laro kung saan ang garter ay nakasuot lamang sa iisang paa ng bawat kalaro.

Sino po ba ang karaniwang naglalaro nito?

Ito ay halos nilalaro ng lahat ng babaeng kalye, mga beking bata at mga napipilitang lalaki dahil kulang ang isang grupo ng miyembro.

Mga Terminolohiyang ginagamit sa laro:

  1. Mother – siya ang tumatayong lider ng bawat grupong naglalaban.
  2. Baby – siya naman ang pinakamahinang manlalaro ng grupo.
  3. No Labas Ngipin – isang batas kung saan kailangan mong umiwas na mapakita ang iyong ngipin habang tumatalon. (weird ng rule na ito at until now, hindi ko pa rin alam ang sense kung bakit may ganito.)
  4. Magic – ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbebend ng garter kung saan papasok ang manlalaro sa gitna at magsisimula sa bilang na 90 at kailangan na lang matapos sa pamamagitan ng pagtalon.
  5. No Passing -Ito ay ispesyal na batas kung saan pinipigilan ang pagligtas ng Mother sa mga titirang kalahok.

Nilalaro pa rin ba ito hanggang ngayon?

Dahil sa naglabasang bagong gadgets, halos hindi na ito nilalaro ng mga kabataang babae at beki ngayon, ang nilalaro na lang nila ay Tetris at COC.

Anong matututunan namin sa blog na ito?

Sa blog na ito ay marahil bumalik ang kabataan niyo kung saan nasa pila kayo nung elementary days ninyo. Habang naghihintay ng pagdating ng guro upang kayo ay papasukin sa loob ng classroom. Dito niyo natutunan ang TEAMWORK. Ang pagtitiwala. Ang paglaban.

Tulad sa buhay, may goal tayong magsucceed sa lahat ng aspects. May mga tutulong sa atin sa pagkamit nito ngunit tulad ng laro, marami tayong pagdadaanan. Mga pahirap na pahirap na challenges. Mga taong nais tayong magkamali. Pero all we need to do is to play and not to surrender. Parang try and try until we DED pero maDED man tayo, may second chance pa rin ang buhay. Natututo tayong maghintay, magplano at lumaban.

Ang buhay ay parang ten-twenty. Ang main purpose ay ang magsaya.

Isang Malalim na Pananaliksik sa Larong “Teks”

a

Gaano kasaya ang childhood mo nuon??

 

I-sa, Da-la-wa,Tat-lo, Cha! Isang laro. Dalawang pato. Tatlong teks na ititira mo.

Naalala ko pa noong maliit pa ako, madalas akong nasa kalsada para makipaglaban ng teks. Kahit mag-amoy araw na ako, wala pa ring ayawan. Matira matibay. Sa milyong beses ko nang naglalaro nito, masasabi kong swerte ako sa laban na ito. Lagi kasi akong nananalo.

Ano ba ang teks?

Teks o kadalasang tinatawag na post card ay isang manipis na karton na parihaba ang sukat. Dito ay may nakaimprentang larawan ng mga karakter ng mga sikat na palabas noon sa telebisyon tulad ng Ghost Fighter, Blue Blink, Doraemon, Mojako, Magic Knight Rayearth at Sailormoon.

Ang kaunaunahang uri ng teks ay may disenyong mala-komiks. (tulad ng makikita niyo sa larawan)

a

Paano ba ito nilalaro?

Ito ay nilalaro ng dalawang tao (minsan ay tatlo o apat). Ang bawat kalahok ay may kanyakanyang pamato (isang panlabang teks). Kapag dalawa lang ang maglalaban, sila ay maglalagay ng pamanggulo/panggulo/pananggulo, ito ay magsisilbing tagabalanse ng laro. Ititira ang bawat kalahok ang kanikanilang pamato. Ito ay isang odd-even game. Kapag nakaharap ang pamato ni Kalahok 1, at nakataob ang parehong teks kalaban at ang pamanggulo, ang kalahok 1 ang titira.

Mga terminolohiya:

  1. Cha – kapag ang teks ay nakaharap. (ang harap ng teks ay iba’t iba ang disenyo.)
  2. Chub – kapag ang teks naman ay nakataob. (ang likod ng teks ay parepareho, kadalasan ang nakalagay dito ay ang pamagat ng programang pinagkuhaan ng disenyo ng teks)

 

a

Paano manalo sa larong ito?

Mananalo ka sa larong ito kapag ang iyong pamato ay naging minorya sa lahat ng mga teks na tinira mo.

Halimbawa:

Ang pato ni Kalahok 1 ay naka-CHA. Ang pamanggulo ay naka-CHUB. At ang pato ng Kalahok 2 ay naka-CHUB. Si Kalahok 1 ang panalo.

K1 – CHA.

K2 – CHUB.

P- CHUB.

Maari ring naka-CHA ang pamanggulo at ang pamato kalaban, at ikaw ay naka-CHUB, ikaw ang panalo.

a

Paano ba tumaya dito? Paano magbilang ng mga taya?

Maraming uri ng pagtaya:

  1. Ang halaga ng iyong taya sa tig-iisang bilang. Halimbawa: Sampu Tig-iisa.
  2. Ang halaga ng iyong taya sa tigagalawang bilang Halimbawa: Sampu Tigagalawa. (Ito ay nagkakahalagang dalampu)
  3. Bet na lahat lahat. Sinasagot ng kalaban mo ang buong teks na hawak mo.
  4. Bet na lahat lahat pati pato’t pamanggulo. Ang lahat ng teks mo kasama ang pato at pamanggulo (kapag sa iyo ang pamanggulo)
  5. Sado na. Kapag tumaya siya ng kalahati at nanalo ka, ang susunod niyang taya ay ang isa pang kalahati. Kapag nanalo ka, sayo na lahat, kapag talo ka, quits na!
  6. Dangkalan. Ito ay ang pagtaya ng teks na nakaayon sa dangkal ng kamay. Binibilang ito o binabayaran ito sa paraan ng tumpukan.
  7. Kase Kase na. Pagsasamahin na ang iyong teks at ng teks ng kalaban mo para sa iisang tira lamang. Kadalasan itong nangyayari kapag gabi na o tinatawag na kayo ng nanay niyo para kumain.

Paano po ang bilang sa tigagalawa at may isa pang sumobra?

Ang tawag dito ay Cha.

Iba pang uri ng pagbibilang.

  1. I-sa, dala-wa, tat-lo cha. (7 teks)
  2. Isam-babae-K______-kagabi-paglabas-buntis! (12 teks)
  3. Isa-mudawa-mutarutaru-pa-semplang (10 teks)

 

a

 

Iba pang terminolohiya:

  1. King Kak – kapag ang teks mo ay nakaslant sa pataas na bagay.
  2. Pektus – isang uri ng pandaraya kung saan, itinitiklop ang iyong pamato at hinahayaang nakatuwid ang iba pang teks.
  3. Apir – ito ay kadalasang nilalaro ng mga batang hindi pa marunong tumira ng teks.
  4. Hinangin – kapag ang kalaban mo ay desperado na. Sasabihin niya yan para ulit.

Pwede ba itong laruin ng apat na tao?

Oo. Pwedeng labo labo o kaya naman ay kampihan.

Kapag marami ka nang teks, saan mo ito ilalagay?

Sa bulsa o kaya sa damit mong maluwag.

Anong dapat mong gawin kapag nanalo ka na?

Maaari kang mamigay ng balato o kaya naman ay magpaagaw. Pero kung ako sa inyo, ito ang gagawin ko:

a

Tumakbo ka!

Ano ba ang matututunan namin sa blog na ito?
Matututunan niyong maging madiskarte sa buhay. Na ang buhay ay isang pagtira ng teks na hindi mo alam ang kalalabasan, hindi mo alam kung papanig sayo ang ihip ng hangin. Maaari kang mandaya at gawin ang PEKTUS pero tandaan na ang mga bagay na nakakamit mo na galing sa hindi tamang paraan ay hindi magtatagal. Matuto sana tayong lumaban ng tama. Kapag nanalo ka, mamigay ka. Pero minsan, kailangan mong tumakbo muna para maiayos ang mga teks na ipamimigay mo. Pero ang pinaka-epic sa lahat ng dapat mong matutunan ay ang itago ang mga teks, kundi sasabihin ng nanay mo na “gusto mo ilaga na natin yan!”.

Nang ifollow nya ako

index

Malugod kong pinasasalamatan si Doctor Eamer  sa kanyang kumentong nakakaantig ng puso. Tama nga naman, Nagbablog ang mga blogger na katulad ko, hindi dahil gusto nating magkaroon ng madaming likes, comments, follow o anu man, nakakaisip tayo ng blog kundi dahil gusto natin yung ginagawa natin o dahil gusto nating i-express yung nilalaman ng nararamdaman natin sa bagay-bagay sa buhay-buhay. Just write because you like writing ika nga ni Doctor Eamer.

Sa lahat ng mga patuloy na bumibisita sa blog na ito maraming maraming salamat sa inyo. Patuloy lang akong lilikha ng mga iba’t ibang klaseng blog batay sa kung ano ang nilalaman ng isip ko. Apir.

Sot-Palu: Baligtarin ang pagbigkas ng mabasa mo

Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na “talaan sa web”). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na “taga-blog”) ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.

Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.

Pero maiba tayo ng usapan. Bigla ko lang kasi naisip to nitong mga nakaraang araw habang bumibyahe. Para bang utang na bigla mong naisip bayaran..

May dalawang bahagi ang isang nagpapalusot: Ang pagiging malikhain at ang isa ay pagkaduwag.

Palusot (Pa-lu-sot.. Pa/lu/sot) . Isinasagawa ito sa tuwing o kung ikaw ay naiipit sa isang sitwasyon na gusto mong takasan o takbuhan. Dulot ng paulit-ulit sa mga pagkakataong ganito, nakakatuwang isipin na ganitong pagkakataon ay nakakagawa ng isang malikhaing solusyon. Gaya na lamang ng mga sumusunod na halimbawa:

1. Eksena sa isang bahay ng iyong kaklase o iyong Kaibigan:

Napautot ka ng pagkalakas-lakas at ang palusot mo ay “Anong masama kung umutot ako? Humihinga rin naman ang pwet ko ah.”

2. Eksena sa classroom:

Titser: Asan na ang assignment mo?
Estudyante: Ah, sir, nawala ko po kasi. Nakipag-away po ako sa isang estudyante. Kasi sabi nila hindi daw kayo ang Best Teacher in the World.

3. Nagtanong ang nanay mo makaraang matapos ang exam nyo noong nakaraang linggo.
Nanay: Anak, musta grades mo dun sa exam nyo last week?
Anak: Ma, ang mahalaga buo pamilya natin. Nagmamahalan tayo.

4. Sa Classroom again:
Teacher: Carlito!! bakit ka natutulog sa gitna ng klase ko??
Carlito: Napaka lambing kasi ng boses mo mam, un po ung dahilan kung bakit ako naka tulog
Teacher: Eh bakit ung iba hindi naman nakatulog?
Carlito: Kasi po hindi naman sila nakikinig sayo eh..

5. Ano sasabihin mo sa friend mo, kapag nakita nyang maitim ang kilikili mo?

Palusot #1 : eto yung usong tattoo ngayon, Henna Tattoo toh!

Palusot #2 : ahh..eto kasi yung bagong labas na deodorant sa Market kailan lang.. Di mo ba nabalitaan yun.. Ok nga e. Darkening deodorant para maiba naman.

Palusot #3 : sobrang sipag ko kasing mag-aral, kasi hindi lang kilay ko ang sinusunog ko, pati kili-kili.

6. Sa isang Lomihan.

Tekla: Waiter, bakit may langaw itong Lomi ko?
Waiter: Ah yun po ba..E, kasi po Mam, sa sobrang sarap ng Lomi namin pati langaw gusto makatikim.

yan lang naman ang isa sa maraming palusot ng mga mamayang Pilipino, may nakakatuwa at may nakakabwisit paminsan-minsan.

Ngunit sa kabilang banda ng pagiging palusot mo, gumagawa ka lang ng isang bersyon ng realidad na kapani-paniwala ngunit malayo sa katotohanan. Nangangatwiran kahit mali. Pagtakas sa pagkakamali. Ngunit sa ganitong mga pagkakataon nananaig ang pagnanais na ipaglaban ang sarili kahit nagigipi na tayo.

Tinatamad na akong mag-isip magpapalusot na lang ako sa inyo.. 🙂

Jeep Story

Ang kwentong ito ay ang mga panahon na 2PM to 10PM pa ang skedyul ko sa trabaho… Nasa Starmall pa nun ang site ang kumpanya na pinagtatrabahuan ko. Nakakamiss din kahit pano lalo ang mga taong nakasalamuha mo nuon. Halos tatlong taon din pala kaming namalagi duon.. At isang taon mahigit na ang nakalipas ng maFORCE LEAVE kami. Hindi man namin expected na malilipat yung Project. Pero gayunpaman maraming oportunidad ang dumating,. Pero bago pa man humaba ang diskusyon na ito. Maiba na lang tayo ng kwento. Kwento sa mga bagay sa ating lipunan. At ito ang kwento ko…………………………….

Mahaba na naman ang pila sa sakayan.

Tanghaling tapat at naluluto na ako sa sa ilalim ng naglalagablab na araw. Ngunit tinitiis ko to. Kailangan ko itong gawin dahil mahuhuli ako sa trabaho kung sakaling maghihintay na naman ako ng panibagong masasakyan, kaya pumila ako. Nag-abang.. Hinintay kong mapuno ang sasakyan ng mga iba’t ibang uri ng mga pasahero. Wari’y puno na pero ika’ ng kundoktor ay dalawa pa.. E halos ang laman ng jeep e puro kalabaw ang size ng mga katawan. Ako lang ata ang nag-iisang patpatin dito. Hindi ako komportable kung tutuusin. Dalawang patpatin pede pa. Pero kung dalawang kalabaw ang lake. E panu na ako nyan, mukang magiging Sandwich ako nito. Sino ba naman ang magiging komportable ung higit pa sa talagang kakayanin ng jeep ang pinapasakay. Siksikan na naman na para ba umanong pila sa isang sikat na pelikula o sa isang mahabang pila ng NFA Rice. Buti napuno na. Kaso naipit ako sa gitna ng dalawang babae. Sa kaliwa, pikit na ang mata nakatulog na sa kakahintay. Kahit na anong tulak ko ay hindi sya magising gising. Dumadating din sa point na humahampas sa akin yung buhok nya. Sabihin ko sana sa kanya na “Ate, kakain ko lang kanina ng pansit..” Sana man lang ay umusog pa siya ng kahit konti lang. Hindi rin maayos ang upo ng katabi ko mula sa kanan. May kausap sya sa kanyang telepono. Hindi ko naman maintindihan. Hindi ko alam kong tagalog ba ito o salitang ilonggo o salita ng mga alien. Hindi ko din maintindihan talaga kung bakit kailangang nyang makipagsigawan na nasa kabilang linya. Wala naman akong intensyong sabihin sa kanya kung sinu ung kausap nya o intensyong malaman kong anu ung pinagtatalunan nila. At wala rin akong pakealam sa harap ko. Dalawang magkasintahan, Naglalampungan sila, kiss dito kiss doon wari’y parang walang kasabay sa jeep. Sa kabilang dulo, mayroong mag-ina, umiiyak na bata siguro e marahil na din sa init ng panahon dito sa pinas. Marami pang ibang pasahero ngunit pinansin ko lahat sila dahil sa araw-araw ko ba namang sumasakay sa jeep e tsaka para mas humaba yung kwento na to, 🙂 ano pa’t nagblog ako diba? kanya-kanya, iba-iba ang mga bawat galaw ng mga pasahero sa jeep. Pareho-parehong napipilitang ipabahagi ang kanilang sariling enpasyo para sa mga ekstrangherong walang pakialam at respeto sa personal na lugar, nilulunod ko na lang ang sarili ko sa aking patugtugan gamit ang cellphone kong N5233 noon. Basta umaasa akong matatapos agad ang paghihirap at paghihinagpis sa init ng panahon. Kaya sa dalas ng pagsakay ko sa jeep ito ay ang mga sumusunod na eksena ay ang mga nakakatuwa at medyo nakakainis na pangyayari sa loob ng isang Pinoy Jeepney.

  • Yung ang haba ng pila na daig pa ang Wowowee at Pila ng NFA! (Tulad ng sinabi sa taas na bahagi)
  • Yung waluhan lang yung jeep, pero sampuan ang pinagkakasya. (Gaya din sa taas na bahaging ng blog na ito)
  • Yung otso pesos yung bayad mo pero half lang ng pwet mo yung nakaupo. (Diba dapat kwatro lang?!)
  • Yung magbabayad ka pero dedma lang yung mga nasa harap mo, ang sarap ibato yung bayad kay Manong Driver!
  • Yung kapag nasa likod ka ng driver nakaupo, instant taga-abot ka ng bayad!
  • Yung wagas makatugtog ng Teach Me How to Dougie. Anaconda, Pusong Bato na paulit ulit!
  • Yung playlist nila ay yung mga Jeje Raps.
  • Yung may kakaibang amoy sa loob ng jeepney kapag gabi na at pauwi na ang mga tao mula sa nakakapagod na trabaho.
  • Yung may biglang batang papasok at pupunasan yung mga sapatos at kahit ang mga tsinelas tapos manghihingi ng barya tas pag hindi nabigyan aapakan yung sapatos mong Van Wall na binili sa StarMall.
  • Yung may papasok na bata ay may ilalagay sa hita mo na sobrang may nakasulat na “Kuya, ate, pangkain lang po”. tas pupunta sya sa bandang dulo ng Jeep at biglang kakanta ng Alien Songs.
  • Yung nakikibasa ka ng text ng katabi mo. (ka-mus-ta ka…na)
  • Yung kapag umulan, daig niyo pa yung siomai sa pagka-steamed sa loob ng jeep.
  • Yung pinaghandaan mo yung pagsabi mo ng “Para Po!”
  • Yung kapag gwapo at maganda yung sumakay, todo tingin ka. (Sabihin mong hindi, Sinungaling!)
  • Yung kapag hindi maayos yung suot, snatcher o magnanakaw agad! (Judgmental?!)
  • Yung kapag naghinala ka sa taong snatcher, hahawakan mo agad yung wallet at cellphone mo.
  • Yung roller coaster yung takbo ng jeep. (Dinaig pa kamo yung The Fast and The Furious)
  • Yung instant blower yung pagsakay sa jeep minsan pa nga nakakain ka na ng pansit este ng buhok ng katabi mo lalo pag babae.
  • Yung unahan sa harapan ng jeep. (Ano yan Nitro Type?)
  • Yung wagas makabukaka si Kuya. (Akala mo sya nagmamay-ari nung kinauupuan nya)
  • Yung male-late ka na tapos si manong driver lahat ng kanto tinitigilan at di lang basta tigil, nagstay pa doon ng matagal.
  • Yung kala mo nagpa-party party sa loob ng jeep sa lakas ng pagpapatugtog ng mga HipHop Horray.
  • Yung ginawang Luneta yung Jeep at wagas ang pagpi-PDA.
  • Yung pag-antok na antok ka na, hahawak ka sa hawakan ng jeep tapos makakabitaw ka. Tapos kapag bumagsak, tatahimik at magkukunwaring walang nangyari. (parang ganito ako..pero hindi naman madalas…apir!)
  • Yung sasakay ka tapos biglang magpapaandar ng mabilis si manong driver. (gawin ko din kaya sa kanya yun)
  • Yung pabababain ka habang umaandar pa yung jeep.
  • Yung magbibigay ka ng pamasahe tapos pahirapan pa ang pagkuha ng sukli.

Yan lang iilan sa mga iba’t ibang ginagawa ng mga kapwa ko pasahero o si manong driver man, nakakatuwa man pero meron namang nakakaasar. Kayo ano-ano pa bang mga ekspiryens ang gusto nyong maibahagi dito? Meron pa ba? Kung meron man.. ibahagi nyo din po sa pamamagitan ng pagkumento sa ibaba.. Maraming Salamat. Tara sakay na tayo ng Jeep baka mahuli na naman ako sa Kumpanyang minamahal ko? Ewan. 🙂

Cagbalete Island: Beauty and Budget

For Okray Lovers

Summer may be winding down for a lot of people, but not for me. My mandatory 2-week leave at work officially started last Friday, so after weeks of writhing with envy over the flood of beach pictures in my social media news feed, I gathered my closest work buddies and headed to my first beach of this summer – Cagbalete Island in Mauban, Quezon.

A friend sent me a blog link about this place (check it out here:“6 Hours and 470 Pesos To Paradise”) and I found it beautiful, refreshing and most of all, affordable so I planned to go there alone at first, but decided later on to include my friends. It’s a great alternative to your usual beach haunts, and if you can get over the long bus ride, additional boat ride, walks and camping feel, you should add this to your list of must-visit…

View original post 1,554 more words

DaMoves..

Habang nag-iisip ka, may taong umaaksyon. Habang nangangarap ka, may taong sinsimulan nang kunin ito. Kaya kung babagal-bagal ka kapatid, baka maunahan ka pa ng iba. Ikaw din. DaMoves lang ng DaMoves .. Wag mawalan ng pag-asa..

Diskarte ba Kamo–Eto na!

Ayon sa mga eksperto tungkol sa mga pagdidiskarte, narito ang mga ilang halimbawa ng mga ilang tips sa buhay-buhay:

1. Titigan mo siya sa mata 70% of the time na kausap mo siya. Ayon sa mga Love Gurus at Hypnosis Experts, malaki ang chance na ma-attract ka sa isang tao kapag nakatingin siya sayo 70% of the time.

2. Kapag may makakasalubong na chick na may kasamang lalaki, tingnan muna sa mata ang lalaki. Kapag nakatingin sa’yo, huwag mong tingnan ng malanding tingin ang babae. Malamang sa malamang, nag-aabang ‘yun ng umi-spot sa girl niya. Kapag hindi siya nakatingin, ‘yun na ang pagkakataon mo na tingnan as malagkit as you can ang babae.

3. Kapag may type kang babae sa isang crowd na kasama mo, huwag mo siyang gaanong pansinin. Hayaan mo lang siya na magpa-pansin o magpa-cute sa’yo. Kapag kausap mo naman siya, be as casual as you can. HUWAG NA HUWAG mong ipapahalata na gusto mo siya. Lalaki lalo ang ulo niya, pramis. Effective ito lalo na sa mga sobrang gandang babae. Maiisip niya, “Bakit kaya hindi ako pinapansin gaano nito?…” And the more na iniisip ka niya, the more na nagugustuhan ka niya.

4. Paano malalaman kung may boyfriend ang babaeng type mo na kausap mo nang hindi siya tinatanong? Simple lang. Gumamit ng mga conversation sentences na mayroong “boyfriend mo”. Halimbawa, “Tara, gimik tayo, Isama mo BOYFRIEND MO.” O kaya, “Kasabay mo pauwi BOYFRIEND MO?”  Kung mayroon man, hayaan mo lang siyang magkwento. Kung wala, pagkakataon mo ng mag-Da-Moves.!

5. Kung di ka makaipon ng lakas ng loob para masabi sa kanya ang nararamdman mo, try mo’ng patamaan sa facebook/twitter/blog (siguraduhin mo lang ng contact mo siya). Tyempuhan mo’ng online siya. Mas maganda kung naka-chat o nakausap mo muna siya bago mo i-post. Be creative. Konting piga sa utak.

6. Hindi mo kailangan magpa-impress sa kanya sa hindi-naman-talaga-ikaw. Kailangan mo’ng magpa-impress sa kanya sa kung-sino-ka. Dagdagan mo na din ng confidence. Malaking tulong kung mataas ang sense of humor mo.

‘Di bale nang ayawan ka niya sa kung-sino-ka kaysa magustuhan ka niya sa hindi-naman-talaga-ikaw.

Wala na akong maisip na iba pang dahilan pero kung meron man ulet.. bisitahin mo lang tong blog ko para sa mga iba pang tips at diskarte. Malay mo dito magkaroon ng idea kung paano dumiskarte.. Try lang ng try.

Tandaan: Huwag mo’ng ipakita ito sa mga babaeng kaibigan mo at lalong lalo na sa crush/ type/ nililigawan mo. Malalaman kasi nila ang ginagamit nating techniques. At kapag in-apply mo sa buhay mo ang mga natututunan mo dito, malalaman nila na dito iyon nanggaling.

Ang Karelasyon Ay Parang Trabaho

Ang karelasyon (asawa,  nobyo, n0bya, at kahit kaibigan) ay parang trabaho, at ang pagmamahal ay parang sweldo…take it or leave it!.. yan ang madalas sabihin ng employer mo kapag nagrereklamo ka sa trabaho o sweldo mo.

Madalas marami tayong ayaw sa trabaho, maraming hinahanap, maraming angal, maraming gustong mangyari at minsan maraming… kaagaw! Pero kapag tinanong ka kung bakit ayaw mo pang magresign… madalas na sagot dahil sa sweldo!… Parehas din sa karelasyon, madalas marami kang hinahanap na wala sa karelasyon mo, sana ganito s’ya, sana ganun s’ya, at minsan may mga kaagaw ka rin, pero bakit hindi mo mahiwalayan???… kasi nga sabi mo … MAHAL MO!!!

Minsan sa trabaho para ka ng alipin, pinagagawa sayo pati yung mga gawaing wala at malayo sa job description mo, ganun din sa karelasyon, minsan iniisip mo kung karelasyon pa ba ang turing n’ya sayo o katulong(maid) na!…

Sa trabaho, madalas kontraktuwal lang, bihira ang nareregular, kapag nagustuhan ka ng employer o agency mo, pagrerenewhin ka ng kontrata, kapag ayaw na sayo, end of contract (endo) ka na… Kapag naman narenew ka, pagbubutihan mo ulit ang trabaho mo, mag-aaspire ka ng mas mataas na posisyon o kahit maregular man lang.  Pero habang nagpapakamatay ka sa pagtatrabaho, may mas sip-sip at nag-uumepal na eeksena sayo, aagawin ang lahat ng pinaghirapan mo, and worst, s’ya ang mapopromote at magiging regular!, dahil sa puntong iyon, s’ya ang apple of the eye ng  boss mo.  Mananatili ka pa rin, nagbabaka sakaling marealize ng boss mo na mali s’ya… pero habang tumatagal at pakiramdam mo pagkatao mo  na ang inaapakan ng bwisit mong employer, magreresign ka na!, balik muna sa pagiging tambay, hoping na makakita ng  mas maayos na trabaho.

Ganun din sa karelasyon, bihira ang pangmatagalan(regularisasyon), mas madalas ang renewal – ang mga away-bating eksena n’yo!, at sa bawal renewal (bati) na nangyayari, pinipilit mong maging mas magaling at mas mahusay, hoping na pangmatagalan  na to! … Pero along the way, may eeksenang echoserang palakang third party party (ooopps…  hindi yan typo error, party party talaga yan, dahil party party ang karelasyon mo at ang kalaguyo n’ya habang nagtataksil sila behind your beautiful back!) , aagawin ng malanding palaka ang lahat ng pinaghirapan mo! at dahil kumagat na ang iyong karelasyon sa mansanas ni Adan… ooopps… ni Ebang palaka pala!, dadalas ang away-bating eksena n’yo, halos linggo-lingg0 kung hindi man araw-araw ang renewal of contract n’yo, mags0-sorry s’ya at mangangakong hindi na uulit… ikaw naman si tangang maniniwala, pero dahil mahina ang karelasyon mo, paulit-ulit lang din ang eksena n’yo!.. pero kapag sobra na, bibigay ka rin… wala daw gamot sa tanga, pero ang katangahan ay may hangganan!, magpapasa ka na ng resignation letter, ayawan na… lagi na lang ikaw ang taya, sawa ka na! … papalitan mo na!.  For the meantime, balik ka muna sa pagiging single, tambay ka muna, hoping na ‘yung susunod mong makakarelasyon ay pahahalagahan ka na ng totoo.

Hindi daw lahat ng nagtatrabaho ay dahil sa sweldo… kaya pala hindi lahat ng nakikipagrelasyon ay dahil nagmamahal!

Marami mang pinagkaparehas ang karelasyon at trabaho, ang sweldo at pagmamahal… may isang malaking bagay ang pinagkaiba nila… Sa trabaho, ilang beses ka mang magrenew, mag resign at ma-endo, darating ang panahon na kakailanganin at pupwersahin kang magretire… sa ayaw at sa gusto mo!, may ipon ka man o wala!… Pero sa relasyon, pwedeng may resignation, may endo at maraming maraming renewal… pero walang retirement!!! … dahil ang pention ay hindi sweldo! dahil ang pagmamahal ay hindi kailanman natatapos! dahil walang edad ang pag-ibig! … dahil sa lahat ng problema at bagyong inyong dadaanan, kapag ito’y nalampasan, hindi ba’t masarap pa ring marinig at sabihing… ” Mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay!!!”.