Pangarap kita kaso wala lang ako sayo

Bukod sa pangarap mong magkaroon ng Iphone7 at maliban sa inaasam-asam mong manalo sa Dota ay hindi natin maitatanggi na pangarap mo ring makamtan ang magkaroon ng Girlfriend. Bilang isang tunay na lalake, obligasyon mo ang humanap ng babaeng makakasama sa buhay. Dahil ginawa ang mga babae para sa mga lalake at ginawa ang mga lalake para mahalin ng mga babae.

Be proud to your katipan

Minsan lang dumating ang isang babae na mamahalin natin at mamahalin rin tayo pabalik. Ang babae na magpapatunay sa atin kung bakit masarap magmahal, kahit nalilipasan na tayo ng gutom. Ang babae na makakasama natin sa lahat ng pagsubok na ating pagdadaanan. Ang babae na bubuo ng ating pangarap kahit wala naman tayong pangarap. Maaring magkamali tayo sa pagpili ng babaeng makakasama pero hindi tayo magkakamali sa babae na mamahalin natin habang buhay. Darating sya sa tamang panahon, hindi man ngayon o bukas kusa syang darating. At kung dumating na sya, pahalagahan mo na parang prinsesa. Sambahin mo na parang cover girl ng FHM Magazine. Mahalin mo sya gaya ng pagmamahal mo sa Character mo sa Dota. Maging adik ka sa kanya tulad ng pagka adik mo sa Tetris. At i like mo sya gaya ng pagla Like mo ng mga status at fanpage sa Facebook. Ipagyabang mo sya gaya ng pagyayabang mo sa mga gadget mo sa twitter at facebook.

T.A.E (Time and Effort)

Oras at Effort ang pinakamagandang regalo sa mahal mo. Hindi mo na kailangan bumili ng mamahaling silver o gold para pakiligin ang isang babae. Hindi mo na kailangan magbigay ng Teddy Bear na kasing laki mo.

Oras ang pinakamagandang alaala na mabibigay mo sa kanya dahil kahit na magkahiwalay man kayo, di nya makakalimutan yung mga ginawa mo lalo na kung dumating yung mga oras na kasama mo sya dati, bigla ka nalang nya maaalala na sa mga oras na yun dati ikaw ang kasama nya pero ngayon iba na. 🙂

Effort ang mga masasayang bagay na mangyayari sa buhay nyo, kasi kahit nakakahiya gagawin mo lahat mapasaya lang ang mahal mo. Kahit umuulan o bumabagyo susugod ka mapuntahan lang ang mahal mo. Kahit wala kang pera, gagawa at gagawa ka ng paraan para mapuntahan at makita sya. Kahit wala kang alam na Pick Up lines mapipilitan kang mag research sa Internet para pakiligin lang sya.

Ang tunay na lalake TIME at EFFORT ang binibigay sa babae.

Lahat tayo…

Lahat naman tayo naghahanap ng seryosong relasyon, sino bang ayaw na maging masaya sa piling ng mahal nya.  Yung iba nakahanap na, yung iba naman naghahanap pa, yung iba nangangarap nalang, yung iba sumuko na.

Ganun kahirap humanap ng mamahalin, di naman kasi kagaya ng prutas yan na kapag nahinog na pwede mo nang pitasin at kainin. Ang pagmamahal sa isang tao dapat inaalagaan, hindi ginagawang laruan na kung kelan mo lang kailangan tsaka mo lang lalaruin.

Kaya kapag nakahanap ka ng taong magseseryoso sayo at alam mong seryoso ka sa kanya,  pustahan tayo. Maraming magbabago sa buhay mo. Masarap at masaya magmahal ng totoo, kasi wala kang problema. Wala kang iisipin na masama sa inyo, lahat ng iisipin mo puro maganda. Matuto kang mangarap at magpakatotoo sa sarili mo.

Salamat sa panibagong taon ng aking buhay 👆

Thank you, God, for giving me another year of life.
Thank you for all the people who remembered me today
by good wishes.

Thank you for all the experience of this past year;
for times of success which will always be happy memories,
for times of failure which reminded me of my own weakness and of my need for you,
for times of joy when the sun was shining,
for times of sadness which drove me to you.

Forgive me
for the hours I wasted,
for the chances I failed to take,
for the opportunities I missed this past year.
Help me in the days ahead to make this the best year yet,
and through it to bring good credit to myself,
happiness and pride to my loved ones,
and joy to you. Amen.

Sa Poong MayKapal
Sa lahat ng mga ngGREET ng good wishes…
Sa lahat ng mga KaCOMPANIONSHIP na nagmula sa ADEC at mga FORMER ADEC na nasa ibang company na ngayon… 🙂
Sa mga magulang ko.. ❤
Sa mga kaibigan kong walang sawang sumusuporta sa bawat yugto na tinatahak natin..
Sa mga relatives….
Sa mga taong naging bahagi ng buhay ko..
Salamat sa inyong lahat.. I love you all.

Single, In a relationship o Complicated?

Nakakalungkot at nakakaiyak na status sa facebook, humihingi ng payo kay papa jack, tumatalon sa mataas na gusali, nagbibigti sa puno ng kamatis, at umiinom ng panglinis ng silver. Ilan lamang yan sa mga epekto ng pagkabigo sa pag-ibig, ang tawag dyan kung sa madaling salita ay pagkabaliw.

Aminin man natin o hindi, bukod sa mga preso sa bilibid na nagdudusa sa kanilang mga kasalanan ay marami rin ang nagdudusa ngayon dahil sa kanilang kabiguan sa buhay pag-ibig. Sa ganung pangyayari, hindi natin pwedeng sisihin ang gobyerno (alanga naman ipa impeach natin si Duterte dahil niloko ka ng syota mo).

Ang pagpili ng taong mamahalin ay dapat dumadaan sa proseso, sa tamang timbang ng pagmamahal at sa pantay na pagtingin. Hindi pwedeng ‘ok na yan’, hindi rin pwedeng ‘para maka experience lang’. Siraulo ka ba? Habang buhay mong itatanim sa alaala mo yan, dapat sigurado ka. Naks! Apir!

Seven Eleven

Pumasok ako ng 7/11 para bumili ng slurpee. Gustong gusto ko yung pakiramdam na habang hinihigop ko yung slurpee, kumukulay ang flavor sa dila ko. Kumuha ako ng papercup sa tabi ng vendo machine at yung plastic na takip nito. Yung kulay blue na flavor ang kinuha ko at nilamnan ko yung lalagyan na hawak ko. Habang nag-iisip kung anong flavor ng hotdog sandwich ang bibilhin ko, lumapit yung cashier sa’kin. “Sir, umaapaw na yung slurpee sa lalagyan niyo.”

Actually, gusto ko talagang punuin ng slurpee yung lalagyan na hawak ko. Yung umaapaw hanggang takip tapos didilaan ko na lang yung tuktok para sulit yung bayad ko.

Minsan talaga hindi natin maiwasang magbigay ng sobra-sobrang emosyon kapag nagmamahal tayo. Kahit pa sabihin natin na, “Ah Okay. Ang 80% ng feelings ko ay para sa’yo at ang 20% ay ititira ko para sa sarili ko.” Most probably hindi rin nangyayari. Dahil kahit may naka-set na tayong rules para sa sarili natin, hindi na natin nagagawang kontrolin. Minsan nga above 100% pa. Nagmamahal tayo eh. At kahit kelan hindi natin yun kayang sukatin. Palaging sumosobra. Palaging uumapaw. Wala naman yung “medyo mahal lang”, o “mahal ko siya pero konti lang”. Dahil minsan, kahit ordinaryong landian lang, emotions are still real. Kahit sabihin mong, “Lalandiin ko lang to then i’m done.”, it always ended up like “Tangina, mahal ko na pala.”  At masasabi lang natin na sobra na kapag nasasaktan na pala tayo. At kapag sa sobrang sakit, nakakapagod na. Pero atleast hindi tayo yung nagkulang.

Bigla akong kinalabit ng cashier, “Sir, lahat ng sobra nasasayang.”

Sabi nga nila…

Darating ang araw na may isang taong magmamahal sayo.

Hindi ka sasaktan at hindi ka ipagpapalit sa mga panandaliang kasiyahan. Darating ang tamang panahon na may magpapatunay sayo na mahalaga ka. Ang isang tao na gagawin lahat ng paraan para maging masaya ka. Hindi ka ipagpapalit sa iba at hindi ka pababayaan kahit kailan.

Pero paano kung nahanap mo na sya, pinakawalan mo pa. Paano kung nakasama mo na sya, iniwan mo pa. Paano kung nandyan na pala sya, lumingon ka pa sa iba.  Paano kung nakita mo na sya, pumikit ka pa.

Madaling humanap ng taong makakasama sa kama, pero mahirap humanap ng taong pang habang-buhay mong makakasama.  Kailangan lang maghintay ng tamang panahon at pag-isipan ng mabuti. Dahil ang mga bagay na madali mong nakukuha ay mga bagay na madali ring mawala.

Kaya kung nahanap mo na sya, maging seryoso ka, maging totoo ka, at makuntento ka. Dahil mahirap humanap ng katulad nya. Mahirap humanap ng taong kaya kang ipagmamalaki sa buong mundo na mahal na mahal ka.

Kung maranasan mong umiyak at masaktan dahil sa kanya. Kung lahat ng sakit naranasan mo, dahil sa pagmamahal sa kanya.  Kung handa mong ibuwis ang buhay mo para sa kanya, na parang gusto mong tumalon sa Ilog Pasig at lumutang kinabukasan. Ok lang yun, dahil ang ibig sabihin nun… CUTE ka. 👊👍👌🙋🙌 Apir ulet tayo.

BUKAS KEKEMBOT ANG MGA TALA

Habang nakasalaksak ang middle finger ko sa kaliwang butas ng ilong ko dahil overpopulated na ng kulangot, napatingin ako sa kadiliman ng langit; meron palang nag-iisang bituin dun sa itaas na nakikitambay kasama ko.

“Hindi kaya siya nalulungkot dun sa taas? O sadyang sanay na siya sa lungkot?”

Hindi ko alam kung ano yung outlet ko pag nakakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko ugaling magpakalasing dahil ang ending niyan, ako rin yung maglilinis ng sarili kong pinagsukahan. Malulungkot lang lalo ako. Hindi ko ugaling umakyat sa mataas na lugar at doon magdrama na parang korean superstar. Sa tanga kong ‘to, di malayong magsala yung tinatapakan ko at mahulog ako. At mas laong hindi ko ugaling isulat ng back to back sa manila paper kung bakit ako malungkot. Mas madaling ipaliwanag kung bakit ka masaya kesa ipaliwanag kung bakit ka malungkot. Kaya nga nagbblog lang ako kapag masaya ako.

Pero ganun talaga siguro no, darating talaga sa punto na makakaramdam ka ng lungkot na tanging sarili mo lang ang makakapagpaliwanag kung bakit. Yung masasabi mo na lang na, “Nalungkot ka ng walang dahilan.” Pero ang totoo, alam mo naman talaga ang dahilan. Naduduwag ka lang aminin dahil maarte ka. Kaya ang tendency, magpapakaipokrito na lang.

Ang buhay ay hindi palaging ma-confetti. Hindi yan palaging masaya. Isipin mo na lang na sa kahit anong emosyong ipinaglalaban mo, malungkot ka man, masaya o sakto lang, mananatili pa ring trapik sa EDSA, iikot pa rin ang mundo at mauubos ang oras. Malungkot ka ngayon dahil naranasan mong sumaya kahapon. Isang pambihirang pagkakataon para pahalagahan mo ang bawat yugto ng buhay mo. Malungkot ka dahil paparating ka palang sa pinakamaaksyong climax ng buhay mo. Ang mahalaga, hindi ka man palaging masaya, may isang libong anggulo pa rin para ngumiti at tumawa. Bukas malay mo, hindi lang lumuhod ang mga tala, kumembot kembot pa.

Ang Blog Ko (JRdante ang nagpipilingerong blogger)

“makagawa kaya ng blog. Ano bang magandang pangalan?”

“Hhhmm. pangalan ko na lang wala akong maisip e..”

“Bakit ‘yun?”

“Bakit hindi?”

Sa ganyan lang nagsimula ang blog na pinuntahan mo ngayon, sa pagkakatanda ko. Kakabasa ko lang din kasi ng Stainless Longganisa ‘nung mga panahon na ‘yun at ng Paboritong Libro ni Hudas kaya mga ganyang bagay ang lumabas sa utak ko (meron ba ko ‘nun?). At nabasa ko din ang mga blog ni Juan Mandaraya http://www.definitelyfilipino.com. Wala akong alam sa pagmamanage ng blog. Hindi rin ako magaling magsulat kaya hindi ko naman masyadong sineryoso ang plano ng mga ibang mambabasa. Basta ang alam ko lang, nagpipilingerong blogger lang ako nun at nangangarap lang magkablog para lang sa katuwaan.

Masyado akong adik sa mga gawa ni Bob Ong at ni Juan Mandaraya ‘nung mga panahon na ‘yun, at aminado naman ako. May ilang nagbabasa dito sa blog ko na nagsasabing para daw gawa ni Bob Ong o ni Marcelo Santos ang mga pinopost ko dito, at pinagpapasalamat ko naman yun. Pero iba pa rin si Bob Ong, si Juan Mandaraya at si Marcelo, at alam kong hinding-hindi ko sila kayang pantayan. Minsan talaga kapag masyado mong iniidolo ang isang tao, hindi sinasadyang magaya mo ‘yung mga istilo nila, ang masama pa, nakukulong ka sa istilo na yun at guilty talaga ako ‘dun. Sorry na. Haha.

Sa mga unang araw ko ng pagbablog, kung anu-ano lang ang mga pinopost ko. Mula sa pinaka may sense hanggang sa pinaka-nonsense. At dahil tuwang tuwa ako at meron na kong blog na maipagmamalaki sa mga kaofficemate, kaibigan, atbp. Nakakatuwa talagang isipin ang mga “simula.” Pero nakakatuwa ding isiping hindi ko pa naman nakikita ang “katapusan”.

Kapag binabalikan ko ang mga sinulat ko dati dito, natututo ulit ako. Nasabi na rin ata ni Bob Ong ‘yun sa isa sa mga libro niya. Meron kasi akong mga sinusulat dati na sinusulat ko lang ‘pag talagang purgang purga na ang utak ko sa pag iisip ng mga bagay na walang katuturan o mapupulutang araw, at may maidahilang may ginagawa pa rin akong matinong bagay.

Pero hindi ko masabing isa akong mabuting blogger. Hindi na kasi ako madalas mag-blog hindi tulad ng dati na laging may bagong binabasa araw-araw ang mga matitiyagang tagasubaybay ko. Kung nandiyan pa rin sila, hindi ko na alam.Tambak na gawain. Tambak na ang tulog sa bahay. Tambak ng trabaho naman sa gabi at shifting naman sa umaga. Tambak na tukso gaya ng Facebook. Tambak na tukso ng COC at MU. Nakakalimutan ko minsan ang blog ko. Sorry na talaga. Hehe.

Sa mga makakabasa nito, salamat at nagtyaga pa rin kayong basahin ang mga sinusulat ko. Salamat sa lahat ng mga pumuri at humusga sa Blog sa loob ng mahigit isang taon. Salamat sa mga nagtitiwalang tao na makita ung blog ko kahit madalas non sense. Salamat sa nga blog-supporters na nagbigay ng mga payo sa akin lalo na kay iamdoctor. Salamat kay Sir Bob Ong, kay Juan Mandaraya, at kay Marcelo para sa pagbibigay ng inspirasyon. Salamat sa mga magulang ko na hindi nagsasawang makita akong nagbablog kahit araw-araw at nagfeFacebook lang. Salamat sa mga katrabaho at kaklase ko dati na nagsasabing medyo maayos naman ang mga isinusulat ko sa mga naging blog ko o fb. Salamat sa mga kapwa ko bloggers, lalo na kay Juan Mandaraya at iamdoctor At salamat kay Bro na nagbigay ng utak (pero di masyadong nagagamit ng maayos) Salamat din sayo babs. ☺

Sisikapin ko na mas mapabuti pa ang website na nagsimula lang sa iisang utak na walang laman at walang magawa. Sana mas marami pa ang tumangkilik at tumagal pa ang blog na ito sa loob ng maraming maraming taon, at maipamana pa ito sa apo ng mga magiging something ko, I mean, mga anak. Hehe

Muli, THANK YOU talaga!
👌👍